2 Loyalty

all we do is win

counter

4296

the daily prophet (well di naman xa talaga daily)

Mga Lokong Editor.

     Ang website na ito ay pinamamahalaan ng mga estudyante mula sa 2-Loyalty. Certified Loyalistas. Ang layunin ng mga editor ay maghatid ng mga pinakasariwang balita, chika, happenings, at announcements sa loob at labas ng klasrum. Nais po naming makapaghatid sa inyo ng serbisyong totoo. Hindi po namin hangad na magpahiya ng tao. Nais lamang po namin ay magpasaya ng mga bumibisita sa website na ito. Kung mayroon kayong hindi nagustuhan o kinainisan sa site na ito, maaari kayong magkomento sa post o kaya'y magreklamo sa chatbox. Ngayon, nais ko nang ipakilala ang mga editor ng site na ito.

          • ChukChakCheeze -- Creator ng site na ito. Isa syang computer geek. May konting pagkaberde "DAW" ang kanyang brain kaya kung may nakita o nabasa kayong "kahina-hinala" sa mga post o kahit saan dito, malaki ang posibilidad ( approximately 50.001% ) na sya ang may pakana nito. Malakas ang trip ng nilalang na ito kaya pagpasensyahan nyo na. Magaling din sya sa pag-gamit ng Adobe. Alalahanin nyo, baka mamaya, bukas or sa susunod na araw, makita nyo nalang ang inyong napakagandang litrato ay napaglaruan, napag-eeperimentuhan o napagtripan na ng nilalang na ito. Mahilig sya mag-post ng kalokohan kaya may mga oras na masali kayo sa trip nya. Sa oras na may di kayo nagustuhan sa kanyang mga nilathala sa site na ito, maaari kayong magkomento sa post okaya makipag-ugnayan sa Bantay Bata. Sasampahan ng "Cruelty to Animals" ang nilalang na ito sa oras na may magreklamo ukol sa kanyang mga pinag-gagagawa dito.

 

          • ChukkChakkChenes -- Co-editor ng site na ito. Isa ring computer geek. Hacker din. Meron silang napakalaking pagkakaiba ni ChukChakCheeze. Ang nilalang na ito ay hindi berde. Matinong tao for short ( clap-clap ). May pagkalakas minsan ang trip ng taong ito kaya wag kayong magpakasiguro na di darating ang oras na mapagtripan kayo ng taong ito. Isa syang malupit na tagamasid. Bawat katiting na nangyayari sa klase ay nalalaman nya dahil sa kanyang mga masugid na correspondents. Nakilala sya sa kanyang mga post na " Mga Jeje sa Loyalty, Nagkalat " at " English as the Medium of Communication in Practical Arts ". Maraming na-iintriga kung sino nga ba ang nilalang na ito. May pagka-misteryo ang kanyang pagkatao. Napaghihinalaan nga palagi ang ating walang kwentang VP. Dito na mismo manggagaling ang sagot sa mga kalituhan at katanungan ukol kay ChukkChakkChenes. Hindi po siya si VP. Ang VP ay isa lamang fan ni ChukkChakkChenes. Kung mayroon kayong hindi nagustuhan sa kanyang posts o sulatin, maaari rin kayong mag-komento at magreklamo.


** Kung kayo ay may mga saloobin, opinyon at suhestyon, maaari niyo itong ipahayag Via Facebook Fanpage**