2 Loyalty

all we do is win

counter

4614

the daily prophet (well di naman xa talaga daily)

the daily prophet (well di naman xa talaga daily)

CLEANING

September 8, 2010

kahapon ay mag isang nag lilinis si andre ng room siya nalang mag isa noon at gabi na mga six pm na nun siguro...

pero eto ang catch sa nakita ko... ung tambak ng basura sa harapan.. ganun karami ang basurang naipon sa room naten sa tagal ng ating hindi pag lilinis... ayun iniwan nya yun dun as a monument of  our significant ignorance...

at para naman mag linis tayo.. kinabukasan...

dahil dun naka buo nanaman ako ng isang painful realization ukol sa II loyalty... talagang wala kayong paki alam... kahit may mag lilista na ng mga hindi nag lilinis ay wala paring pake alam...

kaya kung nde ako kikilos ay wala na rin ibang kikilos... hindi naman tayo dapat umasa lang sa isang tao para mag linis.. kakahiya naman un diba? 

kaso mga wala kayong hiya eih... talagang ignorante kayo sa mundo... onting walis onting galaw lang ng upuan or binura lang ang board ay ok na NAG LINIS NA AKO

ung iba pa nga wla talga... 

kaya sa mga  cleaners isang paalala... wala dapat  pina palampas na onting linis method .... lista parin kayo at may BAWAS PO IYON SA CONDUCT GRADE!!!! ok malinaw ba iyon?

gawin nating expository,

kanina nag lilinis nag wednesday cleaners.. may kung sino sinong pumapasok sa room namen at nakikitambay.. ang dalawanG cleaners nag liligawan ang iba nasa kung saang lupaLop ng earth...

at ang  matinong nag linis lang ay sina mendiola, hiZon, loPez at gonZales

ayan kita niyo dahil kay andre nagising ako at talagang mag ee4t na for the cleanliness

kaya dapat kayo din... kahit papano ay luminis nag room but that is not yET enough may mga kalat pa. ung sahig kailangan i mop pa kita niyo!!!! antinde ng problema naten!!

kaya mag bayad, at mag effort na maG linis

BREAKING UP THE SILENCE..

August 28, 2010

Ako, bilang isang tunay na Loyalista, ay magpapahayag ng sariling saloobin ukol sa kabuuang kondisyon ng ating klase. Maaari nyong sabihin na ako'y walang karapatang gawin ito ngunit ang hangad ko lamang ay imulat ang mga mata ng mga kapwa ko Loyalista. Ang opinyon at pananaw ko, nawa'y wag ninyo sanang masamain. Ang sulatin kong ito ay hindi tulad ng kay Segismundo. Sa lahat ng mga mambabasa, nawa'y maunawaan ninyo ito. Sana'y maintindihan nyo ang aking mensahe kahit na sa simula'y kamumuhian niyo ito.

Ang mga Loyalista noon, parang nasa pedestal. Kumbaga, masasabi kong angat sa iba. Malapit sila sa kanilang adviser. Matitino at nagpipitagan sila kung aking ilalarawan. Organisado ang kanilang mga plano. Magagaling at lagi nilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya sa lahat ng mga aktibidad sa LHS. Maganda ang takbo ng pamamahala. Maraming mga mag-aaral na naghahangad na matulad sa mga taga-Loyalty noon. Nag-iwan sila ng magandang legasiya sa Laboratory High School at kay Ma'am Alaine.

Masakit isipin na parang anlaki ng pinagbago ng noon at ngayon. Batay sa aking obserbasyon, sa tatlong seksyon sa ikalawang antas sa LHS, tayo ang nangunguna; nangunguna sa kadumihan ng silid-aralan, nangunguna sa gulo ng sistema, nangunguna sa ingay, nangunguna sa gulo, nangunguna DAW sa maraming bagsak na marka. Alam kong may magagawa pa tayo tungo sa pagbabago. Wala namang masama kung magbabago tayo diba? Kumbaga, pagbabago para sa ikauunlad natin; pagbabago para sa ikabubuti natin. Alam kong kaya naman nating mapantayan o mahigitan pa ang tagumpay at lahat ng nagawa ng Loyalista noon. Kaya natin yun pero ang kulang lang sa atin ay pagkakaisa.

Si Adrian Jose Sabado, presidente natin yan. Madalas natin siyang pinagtritripan dahil sa "hindi mawaring" kadahilanan. Hindi naman sa sinasabi kong masama ang mang-asar kaso nasa lugar yan eh. Pag oras na may mahalagang paguusapan na ang klase, sana naman magseryoso ang lahat. Oo, pantay-pantay lang tayo pero sa oras ng seryosong pulong, sana naman ilagay natin sa taas si Sabado. Respeto ang kailangan. Paano tayo magiging maayos kung lagi nalang tayong di nagkakaintindihan sa homeroom. Isa pa. Tuwing mamimili ng mga ipanlalaban sa iba't ibang paligsahan. Sana nama'y seryosohin ng lahat ang pagpili. Pare-pareho nating hangad ang tagumpay. Huwag naman tayong mamahiya. Wag namang ipilit ang isang taong hindi naman bagay sa nasabing larangan upang hindi siya mapahiya at di rin mapahiya ang ating seksyon. Ang maikling pulong ay nagiging mahaba dahil sa di pagseseryoso sa pagpili ng mga kalahok. Pag dumating tuloy ang oras kung kelan kailangan na ng representante, nagmamadali ang mga opisyal upang maghanap ng magrerepresenta sa seksyon. Buti na nga lang eh nakausap ng maayos kahit papaano ang mga kalahok natin noong Buwan ng Wika. Paano na kaya sa susunod na mga paligsahan? Sa brutalang sistema nanaman ba tayo aasa?

Ikalawa. Pondo. Alam ko kung gaano kahirap pag-usapan ang pera. Di naman kasi tayo lahat ay may kaya. Si Bernadette Anne Ocampo, ingat-yaman ng mga Loyalista. Binansagan pa man lang din siyang "ingat-yaman" kung wala naman siyang iniingatang "yaman" dahil wala naman siyang nakokolekta mula sa mga Loyalista. Konting sakripisyo lang naman ang "barya". Tayo rin naman ang makikinabang, hindi ba? Sana nama'y makipag-isa tayo sa ating taga-ingat-yaman upang maging maayos ang sistema natin pagdating sa pinansyal na usapan. Sa oras na markaroon tayo ng maayos na sistema ng pangongolekta ng pera, madali tayong makakakuha ng pera pambayad sa ating mga obligasyon at bayarin. Huwag nating pahirapan mangolekta ng pera ang taga-ingat-yaman. Mahirap ang trabaho niya. Tulungan natin siya. Hindi sa sinasabi kong maningil din kayo gaya nya. Kumbaga, magbayad lang kayo para sa ikauunlad ng lahat.

Ikatlo. Silid aralan. Sobrang dumi ng ating silid aralan; maputik, makalat, madugyot, lahat na. Hindi mo sukat akalain na silid aralan pala iyon. Antagal na nating pinaguusapan ang tungkol sa materyales na panlinis. Hanggang ngayon, wala pa tayo masyadong panlinis. Sana nama'y mapag-usapan na ito ng klase o di kaya ng mga opisyal ng klase.

Ikaapat. Gulo. Kailan lang ay napagalitan tayo ni Prop. Dumrique dahil sa gulong hatid natin. Imbes na ang takdang aralin nya ang ginawa natin, ang iba, nasa labas, kumakain, magulo, naglalaro at kung ano-ano pa. Isa itong kahihiyan. Lahat naman tayo nagkakamali. Huwag lang sana natin ito ulitin. Kahihiyan, kahihiyan.

Mahal ko ang mga Loyalista kaya ako nagsulat ng ganito. Minumulat ko lamang kayo sa katotohanan. Nawa'y huwag kayong magalit dahil hangad ko lamang ang ikabubuti ng bawat isa. Lubos akong magpapasalamat sa Diyos sa oras na makita ko ang mabungang pagbabago ng mga Loyalista. Hindi lang naman ako ang makikinabang dito. Lahat tayo ang makikinabang. Ayun lamang po at salamat..

 

Nagmamahal, ChukkChakkChenes (isang tunay na Loyalista)

BUWAN NG WIKA 2010 :)

August 27, 2010

Agosto 26, 2010 -- Naganap ang Buwan Ng Wika sa PUPLHS.  Syempre, 2-Loyalty ang highlight natin sa balita:)

 

Bago mag 7:30 ng umaga, naghahanda na ang bawat pangkat sa kanilang mga pambato sa Lakan at Lakambini.  Syempre, bongga si Binibining Chelvin Joy C. Collado (Lakambini) at Ginoong Jerome John Joy C. Bona (Lakan). Kahit na nung tuesday lang in-announce ang task nila na i-represent yung Loyalty, masasabi kong napaghandaan naman nila yung costume nila kase MAGANDA:)) i mean, ang ganda ni Chelvin at ang gwapo ni Bona.

The day before the event, nagsama-sama ang pwersa ng mga Loyalista sa pag-re-construct ng quote sa taas ng board at pag-tulong sa representative namin sa Lakan at Lakambini. Bilang credit sa mga tumulong, I'll mention their names :

-- SALAMAT KiNA :

Dominador Pilapil, sa patuloy na pagtayo sa armchair para idikit yung plates.

Genrev Hizon, sa pagdisenyo sa pamaypay ng Lakambini at sa pag-asikaso sa kung ano anong anek-anek.

Jonila Briones, sa pag-asikaso sa mga flags ng Lakan at Lakambini

Mary Jane Garcia, sa pag-asikaso din sa flags

Emerald Niserio, sa pag-le-lettering sa katagang "Go Chelvin"

Christian Bautista, sa pag-le-lettering sa katagang "Go Jerome" at sa paggawa ng banner

• sa mga di na-mention dahil di naman sakin nasabi ni *toooot* lahat ng names kung sino yung mga umuwi ng late, maraming salamat sa inyo.

 

at ayun na nga. Lahat ng efforts namin di nasayang. SULIT! Kasi naman, pasok sa top 6 ang mga representatives natin. Nakakatuwa kasi sa 2nd year, tayo lang yung nakapasok yung both Lakan at Lakambini. It's already an achievement for the whole class:)

 

WELL, CONRATULATIONS PO KINA CHELVIN AT JEROME! WE LOVE YOU! -- in behalf of 2-Loyalty yan:)

 

Next naman, sa debate.. Si Ron Russell Magbalon ang representative natin. Unfortunately, di tayo nanalo pero kahit ganun, para sa mga Loyalista, da best parin si Ron:)

Yung winners sa doodle making at essay writing, sa merit card awarding pa i-a-announce. Ipagdasal natin sila.

Speaking of Merit Card awarding sa Tuesday, ito po yung mga nagpipitagang Merit Card awardees ng Loyalty:

Adrian Sabado, Lorenz Fernando, Mary Grace Agliam at Emerald Niserio:)

 

CONGRATULATIONS!! Sana di kayo mabawasan but instead, madagdagan kayo. (Sana madagdag ako. Hehehe)

 

Okay, I will close this agenda with a remarkable reminder..

** Sa isang seksyon, ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat.. **

Ayun lang. Hehe:))

 

By: ChukkChakkChenes:)

Hi Babes!!!!

August 5, 2010

OMG! This is my resurrection! Eto nanaman po ako, nagbabalik sa nag-iisang website ng mga Loyalista upang mambulabog nanaman sa inyo.

Before I start, batiin ko muna yung mga tagasubaybay ko ng "HELLO!" .

Eto kasi yan. Simula nung Monday, August 2, 2010 , bigla na lang sumingaw ang katagang "Hi Babes!" sa napakakalat na room ng Loyalty. In the first instance, nakakapagtaka diba? Parang mapapaisip ka ng "Anong meron?" or "Bakit babes?" okaya ang pinakamatinding maiiisip mong tanong, "Sino si Babes?"

May isang nilalang ang tinatamaan sa katagang "Hi Babes". Well, itago nalang natin siya sa pangalang "Neisseria Gonorrhea". Ang undefined na nilalang na ito ay lubus-lubusang tinatamaan sa "Hi Babes" sa di mawaring kadahilanan. Natutuwa ang mga sadista sa klase kaya nakikiasar nalang din sila ng "Hi Babes" kay "N. Gonorrhea" kahit di nila alam ang story behind that. Aking nakapanayam si "N. Gonorrhea". Lubos akong nagalak sapagkat pinaunlakan nya ang aking interview ukol sa totoong pangyayari at totoong storya sa likod ng "Hi Babes" issue.

"Wrong send lang talaga ako. Nagkukulitan lang kasi kami nung kaibigan ko sa Honesty (Jazel De Ocampo). Tawagan namin yung Babes. Eh nakita ko siyang naka-idle. Magkasunod sila ng pangalan ni Sir kasi nga J-A-Z tapos J-O. Magkasunod talaga. Biglang nag-online yung friend ko kaya umakyat yung name nya sa OL List at ang napindot ko ay yung name ni Sir. Bigla ko nang na-send yung message na "Hi Babes" kaya BOOM. pa-tay," explained Neisseria Gonorrhea.

Ayan! Nung narinig ko ang kanyang explanation, di ko mapigilang tumawa..ng tumawa..ng tumawa..ng tumawa..at maki-"Hi Babes" narin sakanya. HA-HA-HA !

Tuesday -- August 3, 2010. May Music kami. Ma-mi-meet namin si Sir! At ayun, di na mapakali si "N. Gonorrhea". Naghahanap na siya ng malilipatang upuan pero *EEEEEENGGGGG* sorry sya, its too late. Buti na lang may nakita syang extra chair sa likod ng totoong pwesto nya so dun na lang sya umupo. Ayan na, start na ng klase. Kabado si "N. Gonorrhea" kasi baka maalala ni Sir yung incident. Pinag-practice nalang ang mga Loyalista sa mag-keyboard at pag-piano. Hindi nakipagsiksikan si "N. Gonorrhea". Di ko alam kung bakit. And then, temporarily syang umupo sa may bandang pintuan. Gosh, di nya alam, dadaan at dadaan si Sir doon. Kada dadaanan sya ni Sir, kabado sya. And then nasa pintuan si Sir at tinuran ang mga wikang ito: " Sino ang di pa naka-try sa keyboard at piano?". Naghiyawan ang taongbayan, "Si Emerald Bon Niserio po. Si BABES po". At sumabog sa tawa ang klase. Naalala ni Sir ang incident at nagwikang, "Uy Babes! Bakit di ka pa nag-pra-practice?". At dali-daling tumakbo sa piano at nakipagsiksikan si "N. Gonorrhea" upang pumindot. Habang nagtatawanan at nagkakatyawan sa klase, nagsalitang muli si Sir, "Babes, ayusin mo yan ah. Galingan mo" At naghiyawan na naman kami. Bago makabalik ng classroom si "N. Gonorrhea", ininterrogate sya ni Sir! "May babes ka na ah! Susumbong kita sa mommy mo," ani Sir. " Sir, promise wala po akong babes. Wrong send po yun. Pashensya na po talaga," wika ni Babes, este "N.Gonorrhea"

 

- - - - - - - - - - T O    B E   C O N T I N U E D - - - - - - - - - -

 

by: ChukkChakkChenes

View older posts »