2 Loyalty

all we do is win

counter

7740

the daily prophet (well di naman xa talaga daily)

IMPERSONATORS

Good day na naman pong muli sa inyong lahat. Narito na naman ako para mambulabog ng mga araw nyong lahat.

          Ayan, may bago na tayong pangulo namely, President Benigno Simeon Cojuanco Aquino III . Kung oobserbahan nyo, bawat pangulo ng bansa ay nagkakaroon ng kani-kanilang mga IMPERSONATORS. Noon, si Former Pres. Arroyo, impersonator nya si Ate Glo. Ngayon, kaproproklama pa lang kay P-Noy, umusbong na kagad ang kanyang impersonator na si P-Noi. So now, lets go to LHS. I-relate natin sya sa LHS -- Bagong teachers, bagong classmates, bagong dialogs at bagong " favorite moves ". Nagpapahiwatig ba ito na may mga potential ang Loyalista sa pagiging magiting na gaya-gaya este impersonators ?

 

          One time ( imma tell you one time , one time , one time ) oyeah. Teka, back to the story. One time, actually may kaklase tayong impersonator ni Harry Potter at yun ay si Alecz Lawrence Lopez. Doon sya sumikat sa klase. Sa pagiging " Harry Potter " , natandaan sya ni Prof. Dumrique. Sooner, sa kadahilanang kailangang magpagupit ang boys every first monday of the month, kailangang gupitan ng girls brutally ang boys na pasaway. Fortunately, tumpak si "Harry Potter". Tila ba'y nakakapanghinayang ang mahiwaga nyang "fountain-like" na hairdoo na sumisimbolo sa kanyang pagiging " Harry Potter ". Wala syang nagawa. Nagupitan sya ng wala sa oras. " Goodbye Harry Potter " na talaga ang eksenang yun. Nagluksa sya. hindi nya itinapon ang buhok na nagupit. Ibinalot nya ito sa isang malinis na piraso ng Intermediate pad at itinago upang i-cremate at ipalibing sa Columbary at ipaasikaso sa St. Peters Memorial Services ang kanyang buhok. Subalit, makalipas ang bente kwatro oras, pagkapasok nya sa classroom, maraming nakapansin sa kanyang hairdoo. Doon nagsimula ang kanyang paggaya kay Sir Jay-R. Pinag-aralan nya ang bawat kilos at galaw ng propesor. Pati ang mga dialogs ay minemorya nya. Sa katunayan, mas minemorya nya ang dialog kesa sa 6 field axioms at 5 equality axioms. At ayun na. Isinilang na si Sir Jay-R Jr. Sya ang pinakabagong guro sa Loyalty. Ang klase nya ay tuwing 5:30 PM sa tapat ng Main Campus. Ginagawa nyang Cartesian Plane ang mga guhit sa kalsada. Dahil sa di siya maintindihan ng ilang estudyanteng kasama nya, iniwanan syang loner at patuloy na nag-eexplain sa kalsada tungkol sa Cartesian plane sa lupa. Ayon sa kanya, " Actually, pwede yun " .

 

          Now, today is the day. Sir Jay-R meets Sir Jay-R jr. I hope magkaroon sila ng picture together then check the label and see the difference. ( Nido Fortified )

 

 

by : ChukkChakkChenes

Go Back

Comment